Tama ba ang naririnig mo? OO sa MRT yan! Ayos ba? Kasi I just got home from work. I’m not yet that sleepy so I've decided to go online muna and upload something very interesting. Hehe. Very interesting kasi natuwa ako when I heard it. Hahaha lakas ba ng trip?! Yan ang effect ng puyat at gutom sakin.
Well natuwa lang ako kasi I used to hear that sa LRT 2 Purple line ba yun. Kaya I realized, this is a first so why not record it? ^^ At least this is something nice kesa sa mga nakakinis na experiences ntin sa MRT diba. I've been riding MRT for almost 4 years na din (kung tama math ko...) and everyday is a struggle for me especially kung rush hours. Pero wala ako magagawa kasi this is the easiest mode of traveling, right? Ayun lang hindi maiiwasan mga nakakainis at nakakatawa(meron nga ba) na experiences sa MRT.
Here are just a few of mine:
1. Ang mga koala.. bow!
Kilala mo itong mga ito. Aba iha.. dancer ka ba ng pole at sinosolo mo yan? Ang pole sa gitna ng MRT ay hawakan. Hindi sandalan. It’s so irritating when someone literally hugs that pole or minsan sinasandalan. Sabi nga ng recording - "Humawak lang po sa matitigas." Paano ka hahawak kung may parang koala na nakayakap dun or mas malala pa me nakasandal na sobrang pawis na pawis pa likod.
2. Wag mo sila salubungin.. di mo sila kamaganak!
Picture this. Palabas ka na ng MRT and then sa harap mo.. mga taong naguunahang papasok. Please lang! Wag ka namang sumabay. Hayaan mo munang lumabas ung nasa loob. Para galing akong airport nyan eh…. salubong ka ng salubong eh.
3. After the airport scene, Amazing Race naman tayo.
Iha.. kasali ka ba sa Amazing Race. Nakakatawa ito especially sa Quezon Ave and Cubao station, unahang maglabasan ang mga tao. Ano premyo nyo?
4. Ah kaya pala Libre!
I love reading Libre. Kaso, sana damihan nyo pa info dun. Kulang kasi sa balita. I mean, ang dami dami nyong patrons to do this simple thing.
5. No water supply.
Ito na lang lagi kong nababasa sa CR ng Boni Station. Hay. Dito ba napupunta taxes ko?
6. MRT Records.
Okay na ngayon ung recording. Parang LRT 2 Purple. Professional ang dating. Dati kasi bisaya si manong Driver... Shoo station daw... Ano daw? Shaw pala. Or masama.. Buni station. Haha! Minsan naman nanggugulat... parang announcer na sobrang lakas mag announce. Minsan naman, bumubulong Or minsan - maling station sasabihin. Kuya, okay ka lang? Sa sounds naman, nasaan na ung MRT Radio dati. Nawala na yata. I can’t forget the song nung pasko. Christmas in our Hearts. LSS ko lagi yan hahaha! Panalo. Intro pa lang.. alam ko na....
7. MRT Slot Machine
MRT Admins, ayusin nyo naman yung single journey tickets nyo. Minsan nag pasok ako ng 50 pesos sa Purple train - hala puro piso sinukli sa 15 pesos ko. Ano to Casino Filipino. Hahaha! Jackpot!
8. Philippine Dental Association
Hmmm. Paminsan minsan me nakaksakay akong lovers na sobrang PDA. Naghahalikan at nag aakapan. Kung san san na humahawak yung lalake. Kulang na lang maghubad silang pareho. Get a room naman! Hindi kame naiinggit sa inyo. Nakakadiri at nakakainis kayo. GRrrh!
9. Titanic the Movie
Remember this scene.. ung kamay sa salamin hahah grabeh! I really hate rush hour. Maski sa 1st train kasi -sobrang siksikan. And nakakapagtaka - bakit nagsisisiksikan kayo sa may door. Sa gitna ang luwag luwag naman! Grrh!
10. Checking of Bags
Ito pa - natatawa na lang ako. Napaka-ningas cogon talaga ng Pinoy. Remember nung uso ung bomb threat. Sobra sila nag check ng bag. Ngayon wala tinutusok lang ng stick yung loob ng bag mo. Anong klaseng checking yan. Magseseryoso lang kayo magcheck pag me bomb threat na ulit. hayyyyy!
11. Grooming... inside the MRT???
Ito nakakatawa. Once I wasn’t able to bring my ipod so I have no choice but to listen and observe people sa MRT just to kill time. I heard someone clipping nails. So shmepre nagulat ako - hello MRT Etiquette. Why in all places sa MRT pa. Nung nakita ko ung guy.. nag gugupit ng kuko... SA PAA! Promise.. everyone was really shocked and nagparinig na ugn iba. Ayun nahiya.. bumaba. This really grossed me out. Hayy!
12. Habulin ng plantsa.
Don’t you hate it when you ride the MRT feeling fresh with your crisp and clean clothes and PAGLABAS mo.. para kang ni-rape ng sampung kabayo? Hayy. Pero mas gusto ko nang ganito sa UMAGA (sa first train ha) kesa naman pag uwi na. Oh my goodness. Imagine mo nlng amoy araw at pawis mga katabi mo...
Ayun last na hirit. Do you know na you can greet (or maybe request a song)? Just send an email daw - mrtradio@audiowav.com. Ma-try nga haha!
Ikaw, ano experiences mo? ^^
Monday, April 28, 2008
MRT Today at 7:30 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment